Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Xochitl Dixon

Pinakamagandang Regalo

Ang pinakamagandang regalo na natanggap ko mula sa kaibigan kong si Barbara ay ang Biblia. Sinabi niya sa akin, “Mas lalo kang mapapalapit sa Dios kung maglalaan ka ng oras sa Kanya sa bawat araw sa pamamagitan ng pagbabasa ng Biblia, pananalangin, pagtitiwala at pagsunod sa Kanya.” Nagbago ang aking buhay simula nang hikayatin ako ni Barbara na mas kilalanin…

Palitan ang Kalungkutan

Noong 2013, nagkaroon ng breast cancer si Kim. Nang matapos ang kanyang gamutan, nalaman naman niya na may kanser siya sa baga at 3-5 taon na lang daw ang itatagal niya. Lubos niya itong dinamdam noong unang taon. Nagdalamhati siya at laging umiiyak sa Dios. Pero noong makilala ko si Kim, malaki na ang ipinagbago niya. Isinuko niya na sa Dios…

Binago ng Pag-ibig

Noong hindi pa ako sumasampalataya sa Panginoong Jesus, takot akong magkaroon ng relasyon sa iba. Ayoko kasing masaktan muli. Kaya naman, si Mama lang ang aking kaibigan hanggang sa maging asawa ko si Alan. Pagkalipas ng pitong taon, nanganganib na mauwi sa hiwalayan ang aming pagsasama. Noong mga panahong iyon, kinarga ko ang aking anak na si Xavier at pumunta kami…

Utak Talangka

Tuwang-tuwa ako nang ayain ako ng aking pinsan sa manghuli ng mga crayfish o ulang. Nang iabot niya sa akin ang timba, tinanong ko siya kung bakit wala itong takip. “Hindi na kailangan” sagot naman niya. Pagkaraan ng ilang sandali, nalaman ko na ang sagot sa aking tanong. Dahil habang pinapanood ko ang mga ulang, napansin kong sa tuwing may makakarating na…

Salamat sa Pagiging Ikaw

Ang kaibigan kong si Lori ay nakilala ko sa isang lugar kung saan ginagamot ang mga maysakit na kanser. Inaalagaan ko noon ang aking nanay na may kanser. Inaalagaan naman ni Lori ang kanyang asawang si Frank. Magkasama kami ni Lori sa kalungkutan at pananalangin sa Panginoon. Habang dinadamayan namin ang isa’t isa, nakaramdam kami ng kagalakan.

Minsan, inalok ako ni…

Pagpapakita ng Kabutihan

Kahit nakaratay na sa higaan ang 92 taong gulang na si Morrie Boogaart, gumagawa pa rin siya ng mga ginantsilyong sumbrero para sa mga mahihirap na taga Michigan. Mahigit 8 libong sumbrero na ang nagawa at naipamigay niya. Kahit maysakit na siya, mas inisip niya pa rin ang iba kaysa ang kanyang sarili. Para kay Morrie, nagbibigay ng layunin sa kanyang…